Muling pinagtibay ng Pilipinas at ng Republic of Korea ang matatag nitong ugnayan partikular na sa larangan ng kalakalan at ekonomiya.
Ito ang tiniyak ni Korean Ambassador to the Philippines Lee Sang-Hwa kasunod ng kaniyang courtesy call kay National Economic and Development Authority o NEDA Sec. Arsenio Balisacan.
Inasagawa ang naturang pulong ng dalawang opisyal nang bumisita si Ambassador Lee sa Development Academy of the Philippines o DAP.
Kabilang din sa mga tinalakay sa pagpupulong ay ang mga potensyal na kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Korea sa sektor ng pamumuhunan.
Inaasahan itong makatutulong sa mayabong na relasyon ng dalawang bansa na inaasahang makalilikha ng maraming trabaho para sa mga Pilipino.
Nakasalig naman ito sa mga development goal na nakalinya sa Philippine Development Plan 2023-2028. | ulat ni Jaymark Dagala
: NEDA