Sen. Imee Marcos sa NFA: Ubusin muna ang bigas at ibang pangunahing agri products sa ating bansa, bago umangkat sa ibang bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Senator Imee Marcos sa National Food Authority (NFA) at sa ibang kinauukulan, na ubusin muna ang local agri products sa Pilipinas bago umangkat sa ibang bansa.

Ito ang naging pahayag ng super ate ng bansa, matapos mamahagi ito ng financial assistance sa bayan ng Pateros at Lungsod ng Taguig, ngayong araw.

Aniya, ito ay upang hindi masayang ang pinaghirapan ng ating magsasaka lalo na sa bigas, asukal at sibuyas, dahil sa susunod na linggo ay mag-aani na ang ilang mga probinsya sa bansa.

Dagdag pa ng senator, upang hindi na mag double-double ang magiging supply ng bigas sa bansa bagay na muli na namang dadami dahil mag-aanihan na. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us