???????? ?? ???????? ?? ?????? ???? ??????? ??? ????? ????? ??. ?, ???????????? ?? ???. ??????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaiimbestigahan ni Senadora Risa Hontiveros sa Senate Blue Ribbon Committee ang mga pumasok na shipment ng asukal sa Pilipinas bago pa man inilabas ang Sugar Order No. 6 para sa importasyon ng asukal.

Sa inihaing Senate Resolution 497 ni Hontiveros, sinabi nitong may 260 na 20-foot containers na dumating sa Port of Batangas noong Pebrero 9 na naka-consign sa All Asian Counter Trade Incorporated.

Nangyari ito kahit pa aniya noong Pebrero 15 pa lang lumabas ang SO No. 6 na nagpapahintulot ng pag-aangkat ng 440,000 metriko toneladang asukal.

Ipinunto ng senadora na base sa proseso ay dapat sisimulan pa lang ang pagtanggap ng aplikasyon para sa importasyon, limang araw matapos ang pagiging epektibo ng kautusan.

Kaya naman dapat aniya ay sa Marso 1 pa darating ang pinakamaagang shipment ng mga inangkat na asukal.

Sa impormasyon ng mambabatas, tatlong importers na ang nabigyan na ng authority to import ng Sugar Regulatory Administration (SRA) kabilang ang All Asian Countertrade, Sucden Philippines Inc. at Edison lee Marketing Corporation.

Dalawa aniya sa mga ito ay nabigyan na ng awtoridad ng DA noon pang Enero 13. Dahil sa nakadududang timeline, iginiit ni Hontiveros na dapat lang magkaroon ng imbestigasyon dito.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us