NTC, naglabas na ng kautusan para iobliga ang mga telco na irequire ang live selfies sa SIM registration

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas na ang National Telecommunications Commission (NTC) ng memorandum order para obligahin ang mga telecommunications companies na isama sa requirement sa SIM registration ang live selfies.

Sa pagdinig sa panukalang budget ng Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa susunod na taon, pinunto ni Senadora Grace Poe na sa ilalim ng bagong NTC memorandum order ay hindi na papayagan ang mga stock photo na gamitin sa registration kundi dapat ay live selfie na ang gamitin.

Kinumpirma naman ito ni NTC Commissioner Ella Blanca Lopez at sinabing kahapon nila nilabas ang kautusan kaya epektibo na ito sa lalong madaling panahon.

Nakasaad rin sa kautusan na magkakaroon ng flagging system kung saan ipaprayoridad ng telcos sa kanilang validation process ang mga pinaghihinalaang indibidwal na nakapagrehistro ng mahigit sa limang SIM at sa mga kumpanya na mahigit 100 SIM ang nairehistro.

Bubusisiin din ang mga pangalan na ginamitan ng random letters o characters at ang mga numero na hinihinalang ginagamit sa text scams, spams at iba pang panloloko.

Itinatakda rin na kapag nadiskubre na ang impormasyon ng nagparehistro ay hindi tugma sa impormasyon sa kanyang ID ay babalaan ang user sa posibilidad ng immediate barring at temporary deactivation.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us