Nananatiling positibo ang Sugar Regulatory Administration (SRA) na lalago pa ang sugar industry sa bansa, lalo ngayong nagkakaroon ng pagbaba sa sugar production sa world market.
Sa pagdalo ni SRA Administrator Pablo Azcona sa International Sugar Conference, sinabi nitong inaasahan ang drop sa sugar production ng ilang malalaking sugar producing countries ngayong taon gaya ng bansang Thailand.
Dahil dito, maaari aniyang magresulta ito sa mas magandang presyuhan ng lokal na asukal sa bansa.
Para din kay Azcona, ang sitwasyon ngayon sa world market ay indikasyon na mas lalong dapat tutukan ang local industry sa bansa at hindi dumipende sa imports.
Sa panig naman ng SRA, tiniyak nitong patuloy na magtataguyod ng mga hakbang para mas maging sustainable ang local production ng asukal sa bansa at masigurong ang farmgate prices ay mananatiling stable.
Una nang sinabi ng SRA na sapat ang kasalukuyang suplay ng raw at refined sugar sa bansa kaya walang dahilan para magtaas ang presyo nito sa merkado. | ulat ni Merry Ann Bastasa