Panibagong biktima ng human trafficking, nasagip ng Bureau of Immigration

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naharang ng Bureau of Immigration ang tatlong babae na patungong Lebanon na hinihinalang biktima ng “human trafficking” sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ang tatlong babae ay unang nagpakilalang mga turista pero nabatid na ni-recruit pala sila bilang domestic helpers.

Hindi naman binanggit ni Tangsingco ang pangalan ng mga babae, pero sila ay naharang noong March 10 at 12 sa NAIA Terminal 3.

Isa sa kanila ay nagsabing bibiyahe papuntang Malaysia bilang turista, pero ang pasaporte na ipinakita ay mayroong Egyptian visa.

Ang isa naman ay nagpakita ng kahina-hinalang certificate of employment, subalit walang katibayan ng “financial capacity” para bumiyahe.

At ang ikatlo, nagsabing patungo sa Hong Kong para sa bakasyon, ngunit sa inspeksyon ay napag-alaman na tutungo pala sa Lebanon para maging household service worker.

Ang mga biktima ay itinurn-over sa Inter-Agency Council Against Trafficking o I-ACAT para sa kinakailangang assistance para sa pagsasampa ng kaso laban sa recruiters. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us