LTFRB, nilinaw na hindi na maaaring gamitin sa ibang bagay ang fuel subsidy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilinaw ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman Teofilo Guadiz III na hindi maaaring gamitin ang fuel subsidy sa ibang bagay.

Ito aniya ay nakalaan lamang bilang pambayad sa mga piling gasolinahan para makabili ng produktong petrolyo.

Sinabi ni Guadiz na lahat ng mga pampublikong sasakyan, maliban sa Truck-for-Hire, ay maaaring makatanggap ng fuel subsidy.

Lahat aniya ng mga nasa transport group ay binibigyan ng fuel subsidy.

Paglilinaw pa ng LTFRB Chief na ang halaga ng subsidiya na nakalaan para sa mga operator ng mga pampublikong sasakyan ay magkakaiba dahil nakadepende ito sa dami ng konsumo na kinakailangan ng kanilang pampublikong sasakyan. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us