DOJ, pinaiimbestigahan ang umano’y pangha-harass ng mga tauhan ng NBI sa ilang media personnel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ng Department of Justice (DOJ) na pa-iimbestigahan nila ang ginawang pangha-harass umano ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa ilang media.

Ito’y kaugnay sa ikinasang drug raid ng NBI Task Force on Illegal Drugs sa Roxas Blvd. sa Pasay City.

Sa isang panayam kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, aalamin niya ang nasabing insidente kung saan iimbestigahan nila ang pangyayari.

Nabatid na sa nasabing drug raid ilang miyembro ng media ang pinipilit na papirmahin sa operation report para maging testigo, pero tumanggi ang mga ito kaya’t minura, minaliit at binastos sila ng mga ahente ng NBI.

Isa rin sa mga kasamahan sa media ay biglang pinicturan ang ID ng isa sa mga tauhan ng NBI ng walang pasabi.

Kaugnay nito, umaalma ang media na nagkober sa operasyon dahil sa naging ugali ng mga ahente ng NBI.

Umaasa naman ang samahan ng mga media na gagawin ni Sec. Remulla ang binitawan nitong salita para mapanagot ang ginawang kabastusan ng ilang tauhan ng NBI. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us