Nilinaw ng Department of Agriculture 11 (DA 11) na kasali ang mga imported rice sa pagpapatupad ng Executive Order 39 or ang P41 at 45 na price ceiling sa bigas sa merkado.
Ito’y matapos lumabas ang issue na mga local well-milled at regular-milled na bigas lang ang saklaw ng EO 39.
Inihayag ni DA 11 Regional Technical Director Dr. Marila Corpuz na nabigyang focus lang ang local well milled at regular milled na bigas dahil ito ang kadalasang kinakain ng karaniwang Pilipino.
Ayon kay Corpuz na tanging special at premium rice lang hindi saklaw ng kautusan na nilabas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Base sa monitoring ng DA 11 marami na ang nag-comply na ang ibang mga retailer sa mga palengke kung saan may P37 kada kilo na sa regular well-milled rice. | ulat ni Armando Fenequito | RP1 Davao