Ipinanukala ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Yamsuan na i-institutionalize ang paggamit ng “crop climate calendars” sa mga Filipino farmers upang mai-apply ang syensa at teknolohiya sa pagsasaka.
Layon ng House Bill 9129, na nakasulat sa salitang English, Filipino at local dialect ang crop climate calendars upang madali itong maintidihan ng mga magsasaka.
Sa pamamagitan ng hakbang, maiiwasan ang panganib ng pagkalugi ng pananim at makakatulong din sa mga magsasaka sa pagtukoy kung ano ang pinamahusay na paggamit ng tubig at mga pataba.
“Institutionalizing the use crop climate calendars can reduce the risk of crop losses and also assist farmers in determining how best to maximize the use of water and fertilizers in line with the country’s commitment to sustainable farming,” ayon kay Yamsuan.
Sa ilalim ng panukala, gagamitin ang expertise ng Philippine Space Agency sa pagbibigay ng satellite data na maaring magamit upang mapahusay ang bisa ng “crop climate calendars.”
Sinabi ni Congressman Yamsuan, ang HB ay inaasahang pakikinabangan ng humigit-kumulang 9.7 milyong magsasaka.
Kapag naging batas, ito ay magiging collaborative effort ng Department of Agriculture (DA), Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), Philippine Space Agency (PhiiSA), at mga local government units (LGUs).| ulat ni Melany V. Reyes