Ibinaba na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa barangay level ang koordinasyon, para sa panghihikayat sa SIM users na i-rehistro na ang kanilang SIM card.
Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni DICT Usec. Anna Mae Lamentillo na bahagi ito ng pagpapaigting ng kanilang kampaniya upang palakasin ang SIM card registration, lalo’t nalalapit na ang deadline nito sa April 26.
Ayon sa opisyal, ginagamit na rin ng national government ang mga pasilidad ng lokal na pamahalaan, para sa pagpapakalat ng impormasyon, o panghihikayat sa publiko.
Ang kanilang mga Tech4 Ed Centers at regional offices ng DICT, tumutulong na rin aniya sa kampaniya para sa SIM registration.
Sa kasalukuyan, nasa 45.8 million na ang bilang ng SIM cards na nairehistro na sa bansa. | ulat ni Racquel Bayan