Ilang mambabatas, suportado ang nakatakdang paggawad ng amnestiya sa rebel figters

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ng mga mambabatas ang inaasahang paggawad ng pamahalaan ng amnestiya sa mga dating rebelde, kabilang ang miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Ayon kay Surigao del Norte 2nd district Rep. Robert Ace Barbers, ipinapakita lang nito ang hangarin ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makamit ang kapayapaan sa bansa na magreresulta sa kaunlaran.

“Granting amnesty to rebels is a clear indication of President Marcos’ desire to achieve peace in the country, since peace is a requisite for development. Hopefully the rebels will accept this as a step toward ending the senseless killings and fighting among Filipinos, thus ending the six decades-long insurgency,” sabi ni Barbers.

Mungkahi pa nito na makipagdayalogo sa kanila kung paano pang mapapagbuti ang pamamahala ng gobyerno at matugunan ang isyu ng kahirapan, korapsyon at kawalan ng oportunidad.

Naniniwala naman si Cagayan de Oro City 2nd district Rep. Rufus Rodriguez na paunang hakbang ito sa pagresolba sa dekada nang problema sa insurgency.

“This will finally end the decades-long rebellion/ insurrection of the CCP-NPA in our country. These rebel returnees should be given housing, work/ livelihood and some capital to ensure they will be soon be properly integrated in our society.” ani Rodriguez.

Ipinunto naman ni Antipolo City 2nd district Rep. Romeo Acop na ang reconciliation effort na ito ng pamahalaan ay makakatulong para hindi na maulit pa ang gulo.

“I fully support the President’s move to issue a proclamation granting amnesty since reconciliation efforts contribute to preventing the recurrence of conflict towards building a more peaceful, resilient and prosperous society. We have learned that reconciliation–while difficult and complex–is a process through which our society can move forward from a divided past to a shared future as Filipinos,” saad ni Acop. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us