Hinikayat ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang pribadong sector na itaguyod ang Real Estate Investment Trust (REIT), upang mapalakas ang pag-unlad ng ekonomiya.
Sa ginawang 5th REIT Philippine Investor Summit, hinimok ni Diokno ang private sector na mamuhunan sa mga alok ng REIT “wide variety of assets” gaya ng renewable energy.
Ang REIT ay isang stock corporation na nagbibigay daan sa publiko, na mag-invest at trade sa income-generated real estate asset.
Ito ay isang uri ng investment na may kita o dividend mula sa rental income ng mga aria-arian o estate.
Ayon sa kalihim, suportado ng REIT ang isinusulong ng gobyerno na financial inclusion kung saan maaaring mag-invest ng mga ordinaryong mga Pilipino sa real estate, na hindi kailangan i-manage ang properties.
Kumpiyansa ang Department of Finance Chief, na patuloy na palalakasin ng REIt ang economic recovery at infrastructure modernization upang makalikha ng mas maraming business opportunities, at pasiglahin ang Philippine capital market. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes