Planong pagpapaalis sa mga POGO sa bansa, dapat pag-aralan — Sen. Go

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinayuhan ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang pamahalaan na pag-aralang maigi ang planong pagpapaalis ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO sa bansa.

Ito ang reaksyon ni Go sa panawagan ni Senate Committee on Ways and Means Chairperson Senador Sherwin Gatchalian na paalisin na ang POGO sa bansa dahil sa madalas nitong ginagamit na front ng online scam.

Sa groundbreaking ng Super Health Center sa San Mateo, Rizal kahapon, sinabi ni Go na kailangan munang tingnan ang mga maaapektuhan sa sandaling alisin na ang POGO sa bansa.

Pero kung perwisyo naman aniya ang dulot nito lalo na sa peace and order, sinabi ng senador na susuportahan niya ang naturang hakbang para na rin sa kapakanan ng mga Pilipino.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us