Dry-run ng Exclusive Motorcycle Lane, palalawigin pa ng isang linggo ayon sa MMDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagpaliban muna ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang full implementation para sa exclusive motorcycle lane sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Ito’y ayon kay MMDA Acting Chairman, Atty. Romando Artes ay para bigyang daan ang patuloy na paglalagay ng aspalto sa naturang lansangan sa pangunguna ng Department of Public Works and Highways o DPWH

Dahil dito, magsisimulang manghuli ang MMDA ng mga lalabag sa exclusive motorcyle lane sa Marso 26, sa halip na ngayong Lunes, Marso 20.

Batay sa datos ng MMDA mula Marso 9 hanggang 16, pumalo na sa 9,757 na mga motorista ang sinita ng MMDA dahil sa hindi pagsunod sa itinalagang motorcyle lane sa Commonwealth Avenue.

Maliban sa road patch works, tinitingnan din ng MMDA ang paglalagay ng reflectors at solar street lamps upang mapailawan ang nabanggit na lugar at maiwasan ang anumang disgrasya.

Matatagpuan ang designated motorcycle lane na nasa ikatlong lane mula sa bangketa ng Commonwealth Avenue. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us