PDP-Laban, pagpupulungan ang magiging desisyon ng partido sa panukalang Cha-Cha

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanindigan si Senador Francis Tolentino na wala pang opisyal na posisyon ang PDP-Laban tungkol sa panukalang amyendahan ang Saligang Batas o Charter Change.

Sinabi ng senador na maging siya ay wala pa ring stand tungkol sa naturang panukala.

Ibinahagi ni Tolentino na sa March 21 pa magpupulong ang mga opisyal at miyembro ng kanilang partido kung saan kabilang aniya sa magiging agenda ang usapin ng charter change.

Dito aniya ay pakikinggan ang opinyon ng bawat miyembro tungkol sa cha-cha.

Iginiit ng mambabatas na base sa magiging pagpupulong na ito ng PDP-laban ay saka pa lang siya magdedesisyon kung susuporta siya o hindi sa panukalang cha-cha.

Bukod kay Tolentino, kabilang pa sa mga miyembro ng PDP-laban sa senado si Senate Committee on Constitutional Ammendments Chairman Robin Padilla, Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa at Senador Bong Go. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us