Sobrang RCEF collection, ipang-aayuda sa mga magsasaka; NIA daragdagan ang pondo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Plano ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gamitin ang sobrang P10-billion na koleksyon mula sa rice competitiveness enhancement fund upang suportahan ang mga magsasaka sa pamamagitan ng irigasyon at pag-subsidize ng farm inputs.

Ito ang sinabi ni Speaker Martin Romualdez sa kaniyang pagdalo sa presentasyon ng solar-powered irrigation project ng National Irrigatiom Administration 3 sa Bulacan.

Aniya, mayroong sobrang P10-billion sa RCEF na maaaring “ipampuhunan” sa mga magsasaka lalo na ngayong anihan upang mapataas ang kanilang produksyon at ani at mapababa ang presyo ng bigas.

Maliban dito, nahanapan din aniya nila ng paraan na dagdagan pa ng P40-billion ang pondo ng National Irrigation Administration sa susunod na taon.

P100-billion ang orihinal na hiling ng NIA ngunit P40-billion lang ang nabigay ng Departmen of Budget and Management (DBM).

Pero sabi ng House Speaker, may pondong maaaring irealign kaya madodoble nila ang pondo ng NIA.

Aniya, ipinapakita nitong seryoso ang Pangulo sa pagpapalakas ng produksyon ng agrikultura at pagisguro na may sapat na suplay ng pagkain para sa mga Pilipino sa abot kayang halaga. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us