Higit P2.5-million, naipamahagi na sa micro rice retailers sa Capiz -DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot sa P2,580,000 pondo ang ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa cash subsidy ng 172 eligible micro rice retailers sa lalawigan ng Capiz.

Ipinamahagi ang cash subsidy sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program DSWD Field Office VI.

Ginawa ang pamamahagi ng tulong pinansiyal sa pamamagitan ng dalawang batches, una ay noong Setyembre 14 kung saan 29 na benepisyaryo ang unang nakatanggap.

Bawat rice retailer ay nakatanggap ng P15,000.

Ang SLP ay isang government cash assistance program na idinisenyo upang tulungan ang mga micro rice retailer na naapektuhan ng ipinatupad na Executive Order No. 39 o ang pagpapataw ng Mandated Price Ceilings sa bigas. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us