Rep. Sandro Marcos, nais iikot ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa iba pang probinsya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos na mas magiging matagumpay ang layunin ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair kung madadala rin ito sa iba pang probinsya.

Sa panayam ng media kay Marcos sa BPSF launch sa Laoag, Ilocos Norte, sa grand launch pa lamang ay marami nang kababayan nila ang nagpakita ng interes at nagparehistro sa programa para makakuha ng iba’t ibang serbisyo ng gobyerno.

Kaya naman kung maiikot ito sa iba pang lalawigan ay tiyak na marami rin ang magpaparehistro.

Sulit din aniya ang pagod ng organizers ng programa kasama ang kaniyang staff dahil maituturing na matagumpay ang BPSF hindi lang sa Ilocos ngunit maging sa tatlo pang pilot sites.

Kabilang dito ang Leyte na pinangunahan ni Speaker Martin Romualdez, Davao de Oro na dinaluhan ni Special Assistant to the President Anton Lagdameo at Camarines Sur kung saan mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nanguna sa paglulunsad. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us