NFA, nagsimula nang mamili ng palay sa bagong presyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan na ng National Food Authority (NFA) ang pagbili ng palay sa local farmers sa bagong presyo.

Ayon kay NFA Administrator Roderico Bioco, binibili ng NFA ang dry palay sa itinakdang presyo na P23.00 kada kilo habang P19.00 naman sa wet palay.

Magiging agresibo na ang NFA sa pagbili ng palay sa buong bansa matapos itakda ang bagong Equivalent Net Weight Factor (ENWF) table para sa palay.

Ang ENWF Table, aniya, ay tumutugma sa sanggunian para sa pricing scheme batay sa moisture content (MC), purity, damaged at discolored parameters sa klasipikasyon ng palay.

Dating nasa P19.00 lang kada kilo ang dry palay at pinakamataas na presyo na ang P16.00 kada kilo sa wet palay.

Sa ngayon, mayroong 267 buying stations sa buong bansa ang NFA, na kaagad at agresibong bumibili ng palay sa local farmers. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us