Bilang ng namatay sa leptospiroris sa Quezon City, nadagdagan pa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa 27 ang bilang ng mga nasawi sa sakit na leptospiroris sa Quezon City.

Batay sa ulat ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit, pinakamaraming naitalang nasawi ay mula sa District 6 na may walo (8) ang bilang.

Tig-lima (5) naman sa District 2, 4 at 5, tatlo (3) sa District 3 at isa (1) sa District 1.

Mula Enero hanggang Setyembre 16, umabot sa 211 cases ang naitala sa lungsod. Ito ay mas mataas ng 102 o 93.58% na kaso noong 2022.

Ayon sa LGU, ang District 2 ang nakapagtala ng pinaka-mataas na kaso na may bilang na 52 habang ang District 5 naman ang may pinakamababang kaso na may 23 na bilang.

Samantala, nadagdagan din ng isa pa ang namatay sa sakit na dengue na umabot na sa lima ang bilang.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us