Makati City, dismayado sa pamunuan ng Taguig City sa pagtanggi sa mga proposal nito sa pag-transfer ng mga health facilities at services ng lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dismayado, ganito mailalarawan ang pahayag ni Makati City Administrator Claro Certeza sa sinasabing hindi makatarungan na pagtanggi ng Lungsod ng Taguig sa proposed agreement ng lungsod para sa pag-transfer ng mga health facilities and services na pagmamay-ari ng Makati City.

Ito ang sinasabing mga health facilities at services na mula sa walong barangay na apektado ng naging desisyon ng Korte Suprema na nagsasabing bahagi ang mga ito ng lungsod ng Taguig.

Ayon sa Makati, nag-alok pa raw ito ng credit line sa Taguig para tiyakin ang pagpapatuloy ng mga serbisyong pangkalusugan gayundin ang posibilidad ng pag-upa o pagbili sa mga lupa at imprastruktura ng walong health centers. Kasama din ang alok nito ng data sharing, na kaparehong ibinasura raw ng Taguig City.

Dahilan umano ng Taguig, ang inaasahang direktiba mula sa Health Secretary na hindi isama ang issue ng ownership sa transition process.

Inakusahan din ni Administrator Certeza ang Taguig sa pag-take over ng mga public facilities nang walang kaukulang due process at ang hindi pa rin pagkuha nito ng writ of execution.

Kung saan sa kamakailan lamang na roundtable discussion ng mga law experts, binigyang diin nito ang kahalagahan ng writ of execution para maresolba ang kaso at maiwasan ang pagkalito ng mga residente at personnel ng parehas ng lungsod.

Maaalalang ngayong taon ay pinagtibay ng Korte Suprema ang 2021 decision nito na nagsasabing ang 729-hectare Bonifacio Global City Complex at ilang barangays ng Makati City ay bahagi ng lungsod ng Taguig.| ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us