Hinimok ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers Partylist Representative France Castro ang pamahalaan na agad maghain ng protesta laban sa patuloy na paglabag ng China sa ating soberanya at panggigipit sa kabuhayan ng mangingisdang Pilipino.
Kasabay ito ng pagkondena sa inilagay na flaoting barriers ng China sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal, dahilan para hindi makapangisda ang mga mangingisda natin.
Aniya, patunay lang ito ng ‘expansionist agenda’ ng China.
Maliban dito, dahil sa pagpigil sa mga Pilipinong mangingisda na makapaghanap buhay ay lantaran itong pagsasawalang bahala sa national sovereignity ng bansa.
“The installation of these barriers is a clear display of China’s aggressive and expansionist actions in the West Philippine Sea. It is a deliberate attempt to assert dominance and control over the maritime resources that rightfully belong to the Filipino people,” sabi ni Casttro
Maliban sa diplomatic protest, mahalaga na makakuha ng suporta mula sa iba pang mga bansa para i-pressure ang China igalang at sundin ang international law at kilalanin ang karapatan ng atingm ga mangingisda.
“Our fishermen have been fishing in Scarborough Shoal for generations, relying on it for their sustenance and livelihood. By obstructing their access, China is not only depriving them of their right to earn a living but also undermining our national sovereignty,” dagdag pa ng mambabatas.
September 22 nang matuklasan ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang nasa 300 metrong barriers sa paligid ng Bajo de Masinloc. | ulat ni Kathleen Jean Forbes