Pilot testing ng Matatag Curriculum, umarangkada na sa ilang piling eskwelahan sa Malabon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan na ngayong araw, September 25, ang pilot run ng Matatag Curriculum ng Department of Education (DepEd) sa limang eskwelahan sa Malabon City.

Kabilang dito ang Tinajeros National High School kung saan mga Grade 7 students ang mag-aaral ng adjusted curriculum.

Pinangunahan nina Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, DepEd Undersecretary Gina Gonong, at Office of the Assistant Schools Division Superintendent OIC Dr. Ernest Cabrera ang pormal na paglulunsad ng Matatag Curriculum sa naturang eskwelahan

Ayon kay Principal Dr. Maria Victoria De Gulan, nasa higit 600 na Grade 7 learners ng Tinajeros National High School ang sasalang sa pilot run kasama ang kanilang 37 na guro.

Paliwanag nito, wala namang magbabago sa aaraling subject ng mga estudyante kundi binawasan ang learning competencies na nakaakma sa mas magandang kalidad ng edukasyon.

Tinukoy rin nitong sa ilalim ng Matatag Curriculum, mas mahaba na ang oras ng pagtuturo sa Values Education.

Tiniyak naman ni Principal De Gulan na handang handa na ang kanilang eskwelahan sa implementasyon ng Matatag Curriculum.

Bukod sa pagsasanay sa mga guro, nagkaroon na rin aniya ng dry run nito sa eskwelahan para maihanda pati ang mga estudyante.

Tanging ang Malabon City ang lungsod sa Metro Manila na isinama sa pilot run ng bagong K-to-10 program habang ang ibang eskwelahan ay mula sa CAR, Regions 1, 2, 7, 12, at CARAGA. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us