NAIA, tumaas ang ranking sa World’s International Airports

Facebook
Twitter
LinkedIn

Napabilang ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa may pinakamataas na ranking sa World International Inter-Connected Airports sa buong mundo.

Ayon sa International Air Transport Association (IATA) sumampa sa ikatlong puwesto ang NAIA mula sa ika-15 puwesto sa 50 global airport megahubs sa buong mundo.

Kaugnay nito nasa ikatlong puwesto ang Pilipinas pagdating naman sa may pinakamura o low cost airline carrier.

Ayon naman kay Manila International Airport Authority (MIAA) OIC General Manager Bryan Co, ito’y isang magandang indikasyon sa muling pagbangon ng ating bansa mula sa pandemya.

Dagdag pa ni Co na isa rin sa mga naging pagtaas ng ranking ng ating paliparan sa Pilipinas ay ang pagdami ng mga international airline companies na lumalapag sa NAIA tulad ng Zipair at pagdami ng international flights ng ating flagcarrier na Philippine Airlines (PAL) sa iba’t ibang panig ng mundo.

Samantala, muli namang iginiit ng MIAA sa publiko na patuloy ang kanilang mga ginagawang hakbang upang mas mapabuti pa ang operasyon ng paliparan sa Metro Manila. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us