Aarangkada na ngayong araw sa 35 paaralan sa iba’t ibang panig ng bansa ang pilot-run ng MATATAG curriculum.
Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Education o DepEd na nakumpleto na ng kanilang Curriculum and Teaching Strand ang pagsasanay sa mga guro na hahawak ng mga klase sa ilalim nito.
Magugunitang isinulong ni Vice President at Education Sec. Sara Durterte ang pagbabalik ng dating K to 10 mula sa kasalukuyang K to 12 upang makatulong hindi lamang sa mga mag-aaral, guro maging sa mga magulang.
Sinabi pa ng DepEd na limang paaralan ang kanilang napili sa pitong rehiyon ang magpapatupad ng ilang pagbabago sa curriculum para sa kanilang mga mag-aaral sa Kinder, Grades 1,4 at 7.
Kabilang na rito ang National Capital Region o NCR, Cordillera Administrative Region o CAR gayundin ang mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Visayas, SOCCSKSARGEN at CARAGA. | ulat ni Jaymark Dagala