Samahan ng magsasaka sa Batangas, nanawagan ng tulong sa Pangulo sa kanilang ipinaglalabang lupaing pansaka

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ang samahan ng magsasaka kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr, na tulungan sila sa kanilang ipinaglalabang lupa at sakahan na pinagkukunan ng kanilang kabuhayan sa Batangas .

Sa Balitaan sa Tinapayan, sinabi ni Dorcas C.Aquino, Presidente ng Samahan ng Magsasaka ng Balibago ,Matabungkay, Lian Batangas na apat na taon na nilang ipinaglalaban ang pinagtatrabahuhan nilang lupa at kinatitirikan ng kanilang bahay na ngayon ay unti-unti nang sinasakop ng mga makapangyarihan.

Ayon kay Aquino, ang naturang lupa ay pag-aari ng gobyerno na ngayon ay patuloy na dinidevelop ng Sta.Lucia Realty South Crest dahil umano napatitulohan ang bahagi ng hekta-hektaryang lupa sa pribado at maimpluwensyang personalidad.

Panawagan ng mga magsasaka na maisyuhan sila ng Department of Agrarian Reform (DAR) ng cease and decease order ang ginagawang pagdedevelop sa mahigit 193 hektaryang lupain dahil maraming mahirap na pamilya na ang naha-harass bukod sa iligal ang paggalaw nila sa lupa dahil wala aniyang ‘conversion order’. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us