Nasawi ang isang miyembro ng Dawlah Islamiya-Hassan Group sa enkwentro sa Maguindanao del Sur.
Ayon kay Brigadier General Oriel Pangcog, Brigade Commander ng 601st Brigade, unang nakasagupa ng 40th Infantry Battalion at iba pang operating units sa Joint Task Force Central ang grupo na pinamumunuan ni Nasser Guinaed sa Sitio Mayan, Barangay Labu labu II, Datu Hoffer.
Sinundan ito ng engkwentro sa Barangay Poblacion, Ampatuan nang makaharap ng mga sundalo ang limang miyembro ng teroristang grupo.
Pagkatapos ng enkwentro nakita ng mga tropa ang walang buhay na terorista na kinilalang si Mermo Mling.
Nakuha rin ang isang M14, isang M79, isang SMG Cal .45, dalawang Improvised Explosive Device (IED), at iba pang gamit.
Pinuri ni Major General Alex Rillera, Commander ng 6th Infantry Division at Joint Task Force Central ang mga sundalo na patuloy na nagbabantay sa mga inosenteng sibilyan laban sa karahasan na gawa ng mga terorista. | ulat ni Leo Sarne