Positibo ang pananaw ng mga magsasaaka sa buong bansa ngayong panahon ng ani dahil mas mataas na presyo nang bibilhin ng National Food Authority o NFA ang kanilang palay.
Umagos ang pag-asa sa mga komunidad ng magsasaka sa kasunod ng anunsyo ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. na mas mataas na ang itinakdang buying price ng NFA para sa pagbili ng wet at dry palay.
Ayon sa Department of Agriculture, nakinabang na ang ilang magsasaka mula sa Dipolog City at Surigao del Sur sa itinakdang presyo matapos ibenta ang kanilang palay ng P23 kada kilo.
Sa anunsyo ni Pangulong Marcos Jr., P16 hanggang P19 kada kilo ang itinakdang farmgate price para sa fresh palay at P19 hanggang P23 naman para sa dry palay.
Samantala, tiniyak naman ni NFA Acting Assistant Region 11 Manager Florena Lorainaon na malapit nang ilabas ang panibagong gabay sa presyo ng pagbili ng palay.
Sinabi ito ni Floreena sa mga dumalo sa ginanap na 16th National Rice Technology Forum sa Digos, Daval Del Sur. | ulat ni Rey Ferrer