Pagrepaso ng joint memo circular sa paggamit ng Confidential at Intelligence fund, sinimulan na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Commission on Audit (COA) na sinimulan na nila ang pakikipagpulong sa iba pang ahensya ng pamahalaan para sa planong pagrebisa sa joint memorandum circular 2015-0001 o patungkol sa paggamit at auditing ng Confidential at Intelligence Fund o CIF.

Sa pagsalang ng panukalang budget ng COA sa plenaryo, sinabi ni Appropriations Senior Vice-chair Stella Quimbo, na nagpatawag na ng pulong ang COA kasama ang Department of Budget and Management (DBM), Department of the Interior and Local Government (DILG), Governance Commission for GOCCs (GCG) at Department of National Defense (DND), para bumuo ng technical working group na magrerepaso sa joint memo.

Ilan naman sa mga posibleng amyenda ay ang paglinaw sa depenisyon ng documentary evidence of payment at halimbawa nito; hiwalay na probisyon para sa certification ng accountable officer ng CIF; pagkakaroon ng pro forma ng accomplishment report ng CIF; at pagkakaroon ng lagda ng special disbursing officer at ng taga-certify ng naturang mga dokumento.

Sa kanya namang interpelasyon humirit si Albay Representative Edcel Lagman, na gawing basehan ang pagbibigay ng CIF sa isang ahensya kung nakakasunod ba ito sa atas na magsumite ng liquidation report sa paggamit ng kanilang CIF.

Sinuportahan naman ito ni Quimbo.

Para sa 2022, 81 percent na aniya ng national government agencies ang nakapagsumite ng kanilang liquidation report sa paggamit ng CIF. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us