Hinikayat ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Micro Small and Medium Enterprises (MSMEs), na suportahan ang cashless payments para sa pagsusulong ng E-commerce sa Pilipinas.
Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, layunin ng kanilang panghihikyat na makasabay na ang mga ito sa isinusulong ng pamahalaan na digital economy sa bansa.
Dagdag pa ng kalihim, na mahalaga na makasabay ang ating bansa sa digital payments dahil isa ito sa trend ng ibang bansa.
Kaugnay nito, nagkaroon ng isang Memorandum of Agreement ang DTI sa Go Digital Payment Movements upang magkaroon ng isang expo para sa MSMEs.
Ito ay para sa mga paglulunsad ng technology innovations sa pagkakaron ng digital payments sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio