Pagpapasa ng panukalang Philippine Maritime Zones act, kailangan na – Senador Joel Villanueva   

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginiit ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na kinakailangan nang iprayoridad ang pagpapasa ng Philippine Maritime Zones Act, na naglalayong magdeklara ng maritime zones na nasa pamamahala ng Pilipinas kabilang na ang internal waters, archipelagic waters, territorial sea, contiguous zones, exclusive economic zones at continental shelf.

Ginawa ng majority leader ang pahayag na ito kasunod ng paglalagay ng China ng floating barriers sa Bajo de Masinloc.

Ayon kay Villanueva, kaisa siya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpaprayoridad ng panukalang ito.

Katunayan aniya ay kabilang ang panukalang ito sa LEDAC priority bills na target maipasa ngayong taon.

Kaugnay ng paglalagay ng floating barriers ng China sa Bajo de Masinloc, sinabi ng senador na kitang-kita na sa mga litrato at video ang tahasang pambabastos at kawalan ng respeto ng China sa sovereign rights ng Pilipinas.

Kaya naman tanong ng mambabatas, kaibigan pa bang maituturing ang patuloy na pananamantala ng China sa kanilang relasyon sa ating bansa gayung patuloy rin ang panghihimasok ng Chinese Coast Guard sa ating exclusive economic zone.

Ipinunto ni Villanueva, na malaking dagok sa kabuhayan ng mga mangingisdang Pilipino ang panibagong aksyon na ito ng China. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us