‘Reset’ ng power transmission rates, asahang mailalabas ng ERC sa Oktubre

Facebook
Twitter
LinkedIn

Posibleng sa Oktubre ay mailabas na ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang desisyon nito ukol sa reset ng power transmission rates.

Sa pagsalang ng panukalang pondo ng ERC sa plenaryo, natanong ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro kung ano ang update sa pangako nito na bababa ang singil sa kuryente oras na maipatupad ang reset bunsod ng tariff rate adjustment ng NGCP.

Tugon ni appropriations Vice-Chair Arnie Fuentebella, tinatapos na lang ng ERC ang desisyon para dito at maaaring mailabas na sa Oktubre.

October 2022 pa sinimulan ng ERC ang pag-proseso sa pag-reset ng transmission rates.

Ang huling pagkakataon na nakumpleto ng ERC ang transmission reset process ay para sa panahon ng 2010 hanggang 2015.

Makakaasa din aniya na matatapos ang kabuuan ng reset sa pagitan ng 2023 hanggang 2027.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us