Hindi pabor ang Department of Agriculture (DA) sa isinusulong ng Department of Finance (DOF) na “zero” o bawas taripa para sa mga inaangkat na bigas ng bansa.
Sa pagsalang ng panukalang budget ng DA sa plenaryo, kapwa natanong nina Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas at Camarines Sur Representative Gabriel Bordado kung ano ang posisyon ng DA sa panukala ng DOF na alisin o bawasan muna ang import tariff ng bigas.
Punto kasi ni Brosas, hindi na nga maibigay sa mga magsasaka on time ang sobrang kita mula sa nakokolektang taripa ay babawasan o gagawin pa itong zero.
Tugon ni Appropriations Vice-Chair Tonypet Albano, sponsor ng DA budget, hindi umano sinusuportahan ng DA ang naturang zero% tariff at ito umano ang posisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos. Jr.
Aniya, kung itutuloy ito ay ang ating mga lokal na magsasaka ang pangunahing tatamaan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes