Naipamahaging AICS ng DSWD sa Bagong Pilipinas Service Caravan kick-off, umabot na sa ₱221-M

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sumampa na sa ₱221-million ang halaga ng naipamahaging Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ikinasang Bagong Pilipinas Service Caravan kick-off nitong weekend.

Ayon sa DSWD, umakyat na rin sa 98,092 na mga kliyente ang naserbisyuhan nito sa apat na lalawigan kabilang ang Ilocos Norte, Camarines Sur, Leyte, at Davao de Oro.

Sa ulat ni DSWD Assistant Secretary of the Statutory Programs Ada Colico, naitala sa Leyte ang pinakamataas na bilang ng AICS beneficiaries na umabot sa 48,018 na may katumbas na ₱97.9-million.

Sinundan ito ng Ilocos Norte na nasa 26,353 rin ang naserbisyuhang kliyente o katumbas rin ng ₱77.8-milyong halaga ng ayuda.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na magpapatuloy lang ang pamamahagi ng ahensya ng AICS kakabit ng Bagong Pilipinas Caravan na mag-iikot sa iba’t iba pang lalawigan sa bansa.

“With the success of the launching of the BPSF on Saturday, the organizers have decided to stretch some of the programs from the original two-day event as it attracted more than 300,000 beneficiaries nationwide,” ani Secretary Gatchalian.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us