AFP at PNP, nagkasundo na palakasin ang joint operations sa Northern Luzon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Napagkasunduan ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines (AFP) Northern Luzon Command (NOLCOM) na mas palakasin pa ang kanilang inter-agency cooperation.

Ito’y kasunod ng pagbisita NOLCOM Commander Lt. General Fernyl Buca kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa Camp Crame.

Dito napag-usapan ang pagpapaigting na joint operations ng AFP at PNP sa Northern Luzon lalo pa’t nalalapit na ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Tiniyak naman ni Acorda ang pagpapdala ng dagdag na tauhan mula sa PNP Regional Mobile Force Battalion na tutulong sa Community Support Program Teams for Urban Operations sa NOLCOM.

Natalakay din sa pulong ang pag-amyenda sa Implan Kapanatagan o memoranda sa pagitan ng AFP at PNP.

Samantala, ibinida ng parehong kampo na dahil sa kanilang pagtutulungan, naaresto nitong September 22, sa Isabela si Michael Araña na isang komunistang terorista at secretary ng Komiteng Probinsiya ng Isabela. | ulat ni Leo Sarne

📷: NOLCOM

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us