Aprubado na sa ikatlong pagbasa ang House Bill 8937 o panukala para ayusin ang local mining fiscal regime.
Aamyendahan ng panukala ang National Internal Revenue Code of 1997 sa pamamagitan ng paglalagay ng dagdag na mga probisyon.
Kabilang ang Mining Fiscal Regime sa mga SONA priority measure ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Oras na maisabatas papatawan ng 4% royalty rate ang gross output ng large-scale metallic mining operations sa mga mineral reservations habang one-tenth ng one percent naman para sa small-scale metallic operations.
Mayroong din margin-based royalty para sa mga large-scale metallic mining sa labas ng mga mineral reservations.
Obligado na ring magparehistro ang small scale miners sa Mines and Geosciences Bureau at Mining Board kanilang LGU at hinihimok silang bumuo ng kooperatiba para magawaran ng People’s Small-Scale Mining Contract.
Magkakaroon din ng windfall profits tax kada taxable year mula sa kita ng metallic mining operations.
Ang kopya ng lahat ng marketing contracts at sales agreements, pati sales at export ng minerals, mineral products, at raw ores ay isusumite sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Sa paraang ito ay gagawing simple ang pagbubuwis sa mining at gagawing competitive ang mining industry ng Pilipinas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes