Resolusyon na naghahayag ng pakikiramay sa pagpanaw ni dating Marikina Mayor Bayani Fernando, pinagtibay ng Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinatigan ng mayorya ng mga mambabatas ang pagpapatibay sa House Resolution 1332 na naghahayag ng pakikidalamhati ng Kapulungan sa pagpanaw ni dating Marikina Mayor at Congressman Bayani Fernando.

Setyembre 22 nang pumanaw ang dating kongresista sa edad na 77.

Kinilala sa resolusyon ang mahabang karera sa serbisyo publiko ni Fernando kabilang ang pagiging alkalde ng Marikina mula 1992 hanggang 2001, chairperson ng MMDA noong 2002 at 2003 hanggang 2009, DPWH secretary noong 2003 at pagiging kinatawan ng Marikina 1st district noong 17th at 18th Congress.

Tinukoy sa resolusyon ang mabilis at malaking pagbabago sa Marikina nang ito ay kaniyang pamahalaan mula sa pagiging fourth-class municipality patungo sa pagiging modelong lungsod na kilala sa kalinisan, mga residenteng sumusunod sa batas at pedestrian accessibility.

Dahil dito ay kinilala ang Marikina bilang Best National Capital Region Local Government Unit noong 1994 at Most Outstanding City in the Philippines noong 1997. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us