Plenary debate sa panukalang 2024 national budget, puspusan nang tinatapos ng Kamara bago ang nakatakdang session break

Facebook
Twitter
LinkedIn

Meron na lamang dalawang araw ang Kamara para tapusin ang plenary debates para sa panukalang P5.768 trillion 2024 national budget.

Sa panayam sa radyo kay House Appropriation Chair Elizaldy Co, puspusan ang isinasagawa ngayon na budget deliberation at ang pagbalangkas ng General Appropriatios Bill upang matapos ito bago ang nakatakdang session break.

Ito ay bilang pagtalima ng komite sa atas ni House Speaker Martin Romualdez na tapusin at maipasa ng maaga ang 2024 budget.

Una nang sinabi ni Co na magsisilbing legasiya ang 2024 budget dahil kaakibat nito ang “legacy projects” ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Kabilang dito ang specialty hospitals dahil nais ng Pangulo na pangalagaan ang kalusugan ng bawat Pilipino, ang pabahay para sa mahihirap upang makamit ang target na 6 million na housing hanggang 2028 at food self sufficiency — ibig sabihin dagdag na budget para sa agriculture sector.

Ayon sa mambabatas, ang panukalang pondo ay upang tugunan ang pangangailangan ng mga kababayan at pagsulong ng bansa. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us