Ilulunsad ngayong araw ng Department of Finance ang US dollar denominated retail treasury bonds.
Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, magkakaroon ng two-week offer para sa retail treasury bonds.
Maaalalang ang pinakahuling US denominated RTB offer ay noong taong 2021 kung saan nakalikom ng 1.6 billion dollars.
Sinabi ni Diokno, ito ay magandang investment dahil ang minimum na iaalok na RTB ay 200 dollars at “tax free”.
Aniya, pinag-aaralan nilang dagdagan ang offering na one billion dollar dahil mataas ang demand.
Ayon naman kay Bureau of Treasury Deputy Treasurer at Officer-in-charge Sharon Almanza , ang dollar retail bond ay may bisa ng lima o sampung taon. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes