Sinuportahan ng mga operator ng Public Utility Vehicles ang inilunsad na kampanya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board laban sa karahasan sa mga pampublikong sasakyan.
Nagpakita ng pakikiisa ang iba’t ibang operator sa hangaring ito ng LTFRB alinsunod sa Republic Act No. 11313 o Safe Spaces Act.
Sa inilabas na LTFRB Memorandum Circular No. 2023-016, mahigpit na kinokondena ang karahasan o gender-based sexual harassment sa mga pampublikong lugar at sasakyan.
Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, patuloy ding gagawa ng mga hakbang ang ahensya upang matugunan ang mga reklamo hinggil sa anumang uri ng karahasan sa mga pampublikong transportasyon. | ulat ni Rey Ferrer