Tiniyak ng Philhealth na ‘intact’ ang lahat ng impormasyon ng miyembro nito.
Sa plenary deliberations ng panukalang budget ng Philhealth, natanong ni 4Ps party-list Rep. JC Abalos kung ano ang hakbang na ginagawa ng state health insurer matapos mabiktima ng ransomware na ‘Medusa’.
Biyernes nang mag-down ang sistema ng Philhealth dahil sa ransomwate attack.
Nanghihingi rin ang naturang grupo ng US$300,000 na bayad kapalit ang nakuha umano nilang datos.
Ayon kay Appropriations Vice Chair Stella Quimbo, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Philhealth katuwang ang DICT, NBI, PNP at National Privacy Commission kaugnay sa insidente.
Ngunit pagsisiguro ng Philhealth sa mga miyembro nito na walang personal na impormasyon ang nakuha o na-breach. | ulat ni Kathleen Jean Forbes