Panukala sa senado ng magbibigay ngipin sa CHR, ikinalugod ng komisyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome sa Commission on Human Rights (CHR) ang inihaing Senate Bill No. 2440, o ang CHR Charter.

Inihain ni Sen. Robinhood Padilla ang panukala na layong palakasin ang papel ng CHR bilang independent national human rights institution (NHRI) sa bansa.

Sa ilalim ng panukala, itinutulak ang pagpapalawak sa mandato ng CHR sa pamamagitan ng pagdadagdag sa imbestigasyon sa mga paglabag sa economic, social at cultural rights.

Ayon sa CHR, makatutulong ang proposed CHR Charter upang tuluyang maka-comply na ang Pilipinas sa Paris Principles.

Sa pamamagitan din ng Senate Bill 2440, magkakaroon na ng mas epektibong sistema ang CHR— kasama ang fiscal autonomy.

“Through an enabling Charter, the Commission can be expected to amplify what it has endeavored to achieve in its more than three decades of existence.”

Umaasa naman ang CHR na magkakaroon ng sapat na suporta sa kongreso ang naturang panukala at agad itong maisabatas.

“As such, we trust that the CHR Charter will be passed swiftly to enable it to achieve its vision of a just and humane Philippines society, especially for the vulnerable, the disadvantaged, and the marginalized sectors.” | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us