Buong puwersa ng pamahalaan, gagamitin upang matigil ang operasyon ng smuggling — PBBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Desidido si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na buwagin ang pamamayagpag ng mga nasa likod ng rice smuggling.

Sa talumpati nito sa ginawang pamamahagi ng bigas sa Sta. Ana, lunGsod ng Maynila ay inihayag ng Punong Ehekutibo na handa niyang pakilusin ang buong puwersa ng gobyerno upang wakasan na ang iligal na operasyon ng pagpupuslit ng bigas.

Makakaasa aniya ang taumbayan sabi ng Chief Executive na hindi titigil ang pamahalaan para mabuwag na ang smugglers at hoarders na nagpapahirap sa mamamayan.

Kaugnay nito’y inatasan ng Pangulo ang mga kinauukulan na tiyaking naipatutupad ng buong higpit ang batas at polisiya na may kinalaman sa usapin ng bigas.

Inilarawan naman ng Pangulo ang smuggling at hoarding bilang bukbok na aniya’y lubos na sumisira sa balanse ng suplay at presyo ng bigas sa merkado na ang pawang nasa likod ay mga mapagsamantalang negosyante na responsable din sa pagmamanipula ng presyo. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us