Ilulunsad ng Philippine Navy at United States Navy ang kanilang taunang sabayang ehersisyo SAMASAMA sa darating na Lunes, Oktubre 2.
Ang pambungad na ehersisyo ng ika-6 na pagdaraos ng pagsasanay ay isasagawa sa Philippine Navy Headquarters sa Maynila.
Layon ng pagsasanay na mapahusay ang interoperability ng dalawang pwersa sa sabayang pagsasagawa ng iba’t ibang misyon.
Kabilang din sa mga lalahok sa subject matter expert (SME) exchanges na bahagi ng pagsasanay ang mga representante mula sa Navy ng Japan, United Kingdom, Canada, France, at Australia.
Habang lalahok naman ang New Zealand at Indonesian Navy bilang observer. | ulat ni Leo Sarne