Payout ng SLP-Cash assistance sa mga may-ari ng sari-sari store na apektado ng rice price ceiling, sinimulan na ng DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinakda ngayong araw, Setyembre 26, ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng Sustainable Livelihood Program o SLP-cash assistance sa mga may-ari ng sari-sari store na apektado ng ipinatupad na rice price ceiling.

Ayon kay Asec. Romel Lopez, tagapagsalita ng DSWD, sinimulan na ng Kagawaran ang pagbibigay ng cash aid sa mga kwalipikadong sari-sari store owners sa loob ng linggong ito bilang tugon sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tulungan ang apektadong mga micro rice retailers at traders sa ipinatupad na rice price ceiling ng well-milled at regular-milled rice.

Aniya, ang livelihood cash assistance na P15,000 ay ibibigay sa mga sari-sari stores na tumalima sa price cap ng bigas, alinsunod sa regulasyon ng DTI at DSWD.

Giit ni Asec. Lopez, kailangang matatapos sa buwan ng Setyembre ang gagawing pamamahagi ng DSWD at DTI ng SLP-cash assistance sa kwalipikadong mga benepisyaryo.

Aniya, umabot na sa P92.3-million ang halaga ng cash aid na naibigay ng pamahalaan sa 6,161 na apektadong mga micro rice trader at retailer sa buong bansa.| ulat ni Lesty Cubol| RP1 Zamboanga Sibugay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us