Isinagawang buy-bust operation ng PDEA at PNP, nagresulta sa pagkakabuwag ng isang drug den sa Pangasinan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagresulta sa pagkakabuwag ng isang drug den at pagkakaaresto ng apat na indibidwal sa lalawigan ng Pangasinan ang isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan bilang Lead Unit, PDEA Regional Office 1 at Dagupan City Police Station ngayong araw (September 26, 2023).

Ginawa ng mga awtoridad ang operasyon ganap na 12:05 ng madaling araw sa Brgy. Tapuac, Dagupan City.

Kinilala ng PDEA ang apat na suspek na sina Mary Ann Villanueva, Raymund Ballesteros, pawang drug den maintainer at dalawa pang drug den visitors na pinangalanang sina Mark Christian Ramos at Jomar Cobelo.

Sa nasabing operasyon, nakuha mula sa pangangalaga ng mga suspek ang siyam na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na tinatayang limang gramo na nagkakahalaga ng P108,800.00, ilang drug paraphernalia, isang cellphone, black box at perang ginamit sa buy-bust operation.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PDEA Provincial Office ang mga suspek habang nakahanda na rin ang mga kasong isasampa laban sa kanila dahil sa paglabag nito sa Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.| ulat ni Verna Beltran| RP1 Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us