20% cap para sa pagtatalaga ng mga propesor sa mga SUC, pinaaalis ng isang mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hiniling ni Deputy Majority Leader Janette Garin sa mga kasamahang mambabatas na amyendahan ang panuntunan ng National Budget Circular (NBC) No. 461, partikular sa 20% cap sa pag-appoint ng mga propesor.

Ayon kay Garin, hindi dapat hadlangan ang professional growth ng mga kwalipikado namang tagapag-turo sa mga kolehiyo at unibersidad.

Tinukoy pa nito na sa University of the Philippines ay walang limitasyon sa pag-promote ng mga propesor ngunit sa ibang mga unibersidad mayroon.

Sa ilalim ng naturang panuntunan, nililimatahan sa 20% ang pagtatalaga ng mga propesor sa state universities and colleges (SUCs).

Bunsod nito, hiling ni Garin na kung hindi man tuluyang tanggalin ang naturang cap ay itaas ito sa 50%.

“It is now an opportunity for Congress to have this amended. Either remove or increase the 20 percent to 50 percent, or we can have it similar to UP na walang limit,” ipinunto ni Garin. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us