CA, sinuspinde ang pagtalakay sa ad interim appointment ni DOH Secretary Herbosa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bigong makalusot sa Commission on Appointments (CA) si Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa matapos suspendihin ng CA committee ang pagdinig.

Ayon kay CA Committee on Health Chairman Senador Christopher ‘Bong’ Go, sinuspinde ang pagdinig dahil sa kakulangan ng oras.

Marami pa kasi aniyang mga CA members ang nais na magtanong sa health secretary.

Pinaliwanag naman ni CA Majority leader Lray Villafuerte na hindi mai-schedule ng CA hearing bukas para ipagpatuloy ang pagtalakay sa appointment ni Herbosa dahil magiging abala ang mga kongresista sa pagpapasa ng budget sa huling araw ng sesyon nila bukas.

Nilinaw naman ni Senador Bong Go na walang tutol sa pagkakatalaga kay Herbosa at sadyang nakulangan na lang ng oras.

Kapag kasi hindi naaprubahan ng CA ang appointment ng isang presidential appointee bago mag session break ay kinokonsidera na itong ‘bypassed.’

Kinumpirma rin ni CA Chairman at Senate President Juan Miguel Zubiri na na-bypass nga ang appointment ni Herbosa.

Ibig sabihin nito, kinakailangan ni Secretary Herbosa na muling mai-appoint ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pwesto.

Sakaling muling mai-appoint ng pangulo ay posibleng maisalang nang muli ang pagtalakay sa pagkakatalaga kay Herbosa sa Nobyembre o sa pagbabalik sesyon ng kongreso.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us