Konstruksyon ng Tacloban Airport Development Project, minamadali na ng DOTr at CAAP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Minamadali na ng Department of Transportation (DOTr) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang konstruksyon ng Tacloban Airport Development Project.

Ito ay matapos na maantala ng isang taon ang konstruksyon ng proyekto.

Layon ng naturang proyekto na mapaganda ang mga pasilidad ng paliparan at gawin itong isang international airport.

Ayon kay CAAP Director General Manuel Antonio, nagkaroon ng pagkaantala sa konstruksyon dahil umano sa mga ginawang pagbabago sa plano ng proyekto, at nito lang aniyang September 19 naaprubahan ang revision.

Tiniyak naman ng opisyal sa mga residente ng Tacloban na ginagawa ng DOTr at CAAP ang lahat upang matapos ang proyekto sa lalong madaling panahon.

Nakatakda namang makumpleto ang proyekto sa March 2024.

Sa ngayon, nasa 57% ng tapos o ang overall status ng passenger terminal building ng airport.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us